Ang bilis ng panahon, ano? Season 3 na ang Kawan Idol.
Dumarami ang mga nagnanais na sumali sa kumpetisyong ito. Nakakatuwa dahil marami ang tumutugon sa paanyaya ng Himig ng Puso na makilahok ang ating mga ka-parishioner sa gawaing ito.
Nakatutuwa dahil maraming emosyon at eksena ang ating masasaksihan sa patimpalak na ito. Nariyang may mga naluluha, may tawa ng tawa, may mga hindi maipintang mukha, naglalabasang litid sa pagkanta at kung anu-ano pa.
Ngunit huwag nating isan tabi ang mas malalim na pinaghuhugutan ng mga namumuno sa paligsahang ito. Sila ay nagnanais na makahanap ng mga talentadong ka-parokya upang makasama sa pagsamba at pagpuri sa Amang Maylikha sa pamamagitan ng pag-awit.
Masasalamin natin na totoong buhay na buhay ang Espiritu Santo sa bawat gawain ng ating sambayanan dahil maraming taong handang umalalay sa mga gawain at patimpalak na gaya nito. Nagkakaisa ang mga lingkod upang papurihan at ikarangal ang dakilang ngalan ni Hesus. At dahil sa tulong ni Hesus ay kakayanin natin lahat ng mga pagsubok.
Inaanyayahan namin ang mga ka-parokya namin sa St. John of the Cross na makilahok sa darating na Kawan Idol. Ating ialay ang talentong ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pag-awit.
No comments:
Post a Comment